MAY bawas-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) at AutoLPG ang ilang kumpanya ng langis ngayong araw.
Sa abiso ng Petron, epektibo kaninang 12 am ang P1.75 na bawas sa kada kilo ng kanilang LPG at P0.98 na bawas sa kada litro ng kanilang AutoLPG.
6 am epektibo ang P1.62 na bawas-presyo ng Solane-branded LPG habang alas 8 am epektibo ang P18 na rollback sa kada 11 kilo ng EC gas LPG.
Samantala, inanunsyo rin ng Phoenix LPG Phils. Inc. ang P1.75 na rollback sa kada kilo ng kanilang Super LPG at ang P0.95 na rollback sa kada litro ng kanilang AutoLPG kaninang 12:01 am.
Habang piso naman ang bawas-presyo sa kada litro ng AutoLPG ng Cleanfuel kaninang 8:01 am.