Ilang lugar sa bansa walang pasok dahil sa mataas na heat index

Ilang lugar sa bansa walang pasok dahil sa mataas na heat index

WALANG pasok sa araw na ito, Marso 11, 2025 ang ilang lugar sa bansa dahil sa inaasahan pa ring mataas na heat index.

Ang mga ito ay ang:

  • Santa Cruz, Laguna: Kung saan ang mga pampublikong paaralan ay magsasagawa ng face-to-face classes sa umaga, at lilipat sa modular distance learning sa hapon.
  • Sa Bustos, Bulacan: Walang face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko at pribado; ipatutupad naman ang alternative delivery modes hanggang Marso 12.
  • Sa Santa Maria, Bulacan: Ang lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan ay magkakaroon ng face-to-face classes mula 6:00 AM hanggang 11:00 AM, at asynchronous o online classes mula 1:00 PM hanggang 4:00 PM; mananatili ang iskedyul na ito hanggang Marso 14.
  • Sa Malasiqui, Pangasinan: Ang lahat ng antas sa pampublikong paaralan ay magkakaroon ng face-to-face classes mula 7:00 AM hanggang 11:00 AM, at lilipat sa asynchronous o online classes sa hapon; epektibo ang iskedyul na ito hanggang Marso 14.

Sa Urdaneta City, Pangasinan: Walang face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko at pribado.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble