Ilang pulis, nagagamit umano sa krimen sa NegOr—abogado ng pamilya Degamo

Ilang pulis, nagagamit umano sa krimen sa NegOr—abogado ng pamilya Degamo

MAY ilang pulis sa Negros Oriental ang nagagamit umano sa iligal na aktibidad.

Ito ang ibinunyag ni Atty. Levito Baligod, abogado ng pamilya ng napaslang na si Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ayon kay Baligod, may ilang pulis umano na nagsisilbing spotter sa mga nangyaring krimen sa lalawigan mula pa noong 2012.

Ang ilan din aniya sa mga pulis ay matataas ang ranggo at kasalukuyang nakikita sa lalawigan.

Pero tumanggi si Baligod na sagutin na kung sa mga tinutukoy nitong pulis ay may sangkot sa pagpatay sa gobernador at walong iba pa.

Samantala, tiniyak ni Interior Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. na kanilang iimbestigahan ang isiniwalat na impormasyon ni Baligod upang mapanagot ang mga sangkot na pulis.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter