Ilang senador, pinalalantad sa NICA ang listahan ng mga opisyal na dawit sa smuggling

Ilang senador, pinalalantad sa NICA ang listahan ng mga opisyal na dawit sa smuggling

PABOR si Senator Christopher “Bong” Go na maipalabas na ang listahan ng mga opisyal na dawit sa big time smuggling sa bansa.

Ito ay kasunod ng apela ni Senate President Tito Sotto III sa National Intelligence Coordination Agency (NICA) na ilabas na ang pangalan ng government officials na nagsisilbing protector umano ng mga smugglers.

“As early as yesterday, I already sent word to NICA. I want the names of the five government officials na nakapatong doon sa 20 smugglers,” pahayag ni Sotto.

Giit ni Senator Go, karapatan ng taumbayan na malaman ang mga taong sangkot dito na siyang nanamantala ng sitwasyon.

Aniya, sakaling mapatunayang totoong dawit ang mga government officials sa smuggling, tiyak daw na mananagot ang mga ito.

Samantala ayon kay Sotto, magpapatawag pa ito ng pagdinig at babala nito na kung hindi siya makakakuha ng malinaw na impormasyon mula sa NICA ay irerekomenda niyang lahat sila ay makasuhan.

“Hinihingi ko sa kanila and I will have to schedule another hearing. If I don’t get the correct information or information we are asking for, I will merely prepare the committee report and recommend to the Ombudsman that all of them will be filed [with] cases,” ani Sotto.

Sa nakaraang pagdinig ay may apat na lumabas na pangalan mula kay SP na umanoy dawit sa big time smuggling sa bansa.

Maliban sa apat, ayon kay NICA Director Edsel Batalla, mayroon pang mahigit 20 pangalan sa kanilang listahan kung saan kasama na dito ang protector ng mga ito.

Ani Batalla, ang mga pangalan ay dumadaan pa ng mahigpit na validation.

Matatandaan na ayon sa mga magsasaka sa Benguet, nasa 2.5M ang nawawala sa kanila kada araw dahil sa pagpapasok ng mga smuggled na gulay sa bansa.

Follow SMNI News on Twitter