IBINAHAGI ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang Iloilo City ang ‘Fastest Growing Economy’ sa Western Visayas.
Kumpara sa P145.07B na Gross Domestic Product (GDP) noong taong 2022, nasa P160.28B na ang kanilang GDP noong nakaraang taon.
Ayon sa PSA, main contributors ng GDP growth sa Iloilo ay ang kanilang wholesale and retail trade, at motor vehicles and motorcycles repair.
Kasali na rin dito ang accommodation and food service at financial and insurance activities.