PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon ng Binondo-Intramuros Bridge Project sa Intramuros Manila ngayong araw.
Nasa aktibidad din si Presidential Aspirant Manila Mayor Isko Moreno at ang iba pang matataas na opisyal ng Pilipinas at China.
Sa talumpati ng Pangulo sa inagurasyon, tiniyak nito na mananatiling tapat ang kanyang administrasyon sa layunin nitong makapagbigay ng maginhawang pamumuhay para sa mga Pilipino hanggang matapos ang kanyang termino.
Umaasa ang Pangulo na mae-enjoy ng kasalukuyan at mga susunod na henerasyon ang enhanced mobility at connectivity sa pamamagitan ng innovative physical integration.
Ang Binondo-Intramuros Bridge Project ay bahagi ng Philippines-China government-to-government cooperation projects.
May haba na 680-lineal meter ang 4 lane na tulay at kayang makapagserbisyo ng 30,000 na motorista kada araw.