AABOT na sa RM1-M ang multa na inisyu ng estado ng Sarawak sa Malaysia dahil sa paglabag sa Standard Operating Procedure (SOP).
Inisyu ang kabuuang halaga sa 819 na indibidwal at kumpanya sa Sibu dahil sa paglabag sa State Disaster Management Committee (SDMC) mula Enero hanggang Disyembre 23 noong nakaraang taon.
Ayon kay Sibu Crime Prevention and Community Safety Division Head Deputy Supt Ariffin Baha, sa ngayon ay may RM-700,000 halaga ang natanggap ngunit 68 violators ang hindi pa nakakapagbayad.
Aniya, noong Disyembre 8 ay binawasan ng health ministry ang compound fee mula sa RM-50,000 at ngayon ay RM-1,000 na lamang.
Samantala, sa paglipat ng estado sa phase 4 ng national recovery plan ay patuloy na sinusubaybayan ng mga awtoridad ang mga entertainment center.
Hinikayat rin nila ang mga mamamayan na sundin ang Standard Operating Procedure na itinakda ng SDMC.