Internet-based campaign platforms ng mga kakandidato sa 2025, maaari nang iparehistro

Internet-based campaign platforms ng mga kakandidato sa 2025, maaari nang iparehistro

MAAARI nang iparehistro ng mga kumakandidato sa 2025 midterm elections ang kanilang official social media accounts, pages, websites, podcasts, blogs, vlogs at iba pang internet-based campaign platforms.

Batay ito sa anunsiyo ng Commission on Elections (COMELEC) sa kanilang official Facebook page.

Sa post, may links at hiwalay na QR codes na ibinigay ang poll body para sa kumakandidato bilang senador at party-lists maging sa local posts.

Para sa karagdagang impormasyon ay maaaring bisitahin ang online campaign platforms registration sa official website ng COMELEC.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble