KINUMPIRMA ni National Commission Telecommunications Commissioner Edgardo V. Cabarios na mas bumilis ngayong taon ang internet kung ikukumpara noong Hulyo 2019.
Ayon pa kay Commissioner Cabarios, ito ay base sa OOKLA speed test kung saan ang ranking ng Pilipinas sa mobile internet mula sa lampas 100, ngayon ay nasa ika-75 na pwesto na.
Kaya naman, sinabi ni Cabrios na malaki ang improvement sa internet speed ng bansa kaya naman mas bumilis na kumpara noon.
Aniya, ito ay dahil pinabilis ng gobyerno ang pagproseso ng pagkuha ng permit ng mga kumpanya para makapag-patayo ng mga cell tower, maging ang mga bidding para sa mga fiber.
Ani Cabarios, dumami ang mga facility ng mga telecommunications company at tumaas ang kapasidad ng mga ito na mag-offer ng mas mabilis na internet.