DAPAT inuuna ng gobyerno ang pagresolba ng korapsiyon sa bansa para hindi alanganin ang investors na pumunta sa Pilipinas.
Ayon ito sa dating undersecretary ng Department of Foreign Affairs (DFA) na si Ernesto Abella sa panayam ng SMNI News.
Binigyang-diin nito na dapat ay tinututukan din ng pamahalaan ang sektor ng agrikultura, manufacturing at siyensiya.
Ani Abella, hindi sana mas pinapahalagahan ang importasyon gaya ng nangyayari sa kasalukuyan.