Magat Dam, nagbukas ng pitong floodgate

Magat Dam, nagbukas ng pitong floodgate

BINUKSAN ang pitong gate ng Magat Dam sa Ramon, Isabela, na nagpakawala ng 4,252 cubic meters kada segundo habang patuloy ang malakas na pag-ulan sa Cagayan Valley.

Ayon sa National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System, dinala rin ng tubig-baha ang antas ng tubig ng Buntun Bridge na kritikal na nagbabanta sa malawakang pagbaha sa Cagayan at Isabela.

Sinabi ng DPWH-Nueva Vizcaya Second Engineering District na isinara ang mga pangunahing kalsada tulad ng Nueva Vizcaya-Benguet Road sa Castillo Village sa Kayapa, Nueva Vizcaya Area.

10 bayan ang naapektuhan ng pagguho ng lupa at pagbaha sa Isabela, kabilang ang Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Santa Maria, San Pablo, Santo Tomas, Quirino, Burgos, Gamu, Cauayan City, Benito Soliven, San Mariano at Naguilian, ayon sa ulat ng Civil Defense.

Samantala sa inisyal na ulat ay umabot na sa 6,000 pamilya at 15,000 katao ang apektado.

Follow SMNI NEWS in Twitter