Ipinangakong foreign investments ng ibang bansa, ‘di pa nagkakaresulta—Atty. Roque

Ipinangakong foreign investments ng ibang bansa, ‘di pa nagkakaresulta—Atty. Roque

HINDI pa nakikitang pumapasok na ang ipinangakong investments mula sa iba’t ibang bansa.

Ito ang sinabi ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque kasunod ng pagtungo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Estados Unidos.

Noong Linggo umalis ng bansa si Pangulong Marcos para sa state visit sa U.S. na magtatagal hanggang Mayo 4.

Binigyang-diin ni Roque na dapat may nagpa-follow up na sa bilyong-bilyong investment pledges na nakuha ng Pangulo sa mga state visit nito sa iba’t ibang bansa para makikita na ang resulta.

Giit din ng dating Palace official na ang panlabas na relasyon ng bansa ay dapat magreresulta ng mas maraming pagkain sa hapagkainan ng mga Pilipino.

Inaasahan namang sa pagbisita ni Pangulong Marcos sa Estados Unidos ay makakakuha ito ng investment pledges gaya ng mga nagdaang state visit nito sa ibang bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter