IRR ng free college education program, dapat ayusin—Atty. Roque

IRR ng free college education program, dapat ayusin—Atty. Roque

HUWAG itigil ang free college education program subalit maaaring ayusin ang Implementing Rules and Regulations (IRR) nito.

Tugon ito ng dating Palace official na si Atty. Harry Roque sa mungkahi ni Finance Sec. Benjamin Diokno na ihinto na lang ang batas dahil hindi rin naman aniya ito “sustainable”.

Sinabi rin ni Atty. Roque na ang mga mag-aaral sa University of the Philippines ang dapat matutukan sa pagrepaso ng IRR ng free college education program dahil marami sa kanila ay may kakayahang makapagbayad ng tuition fees.

Nauna nang kinontra ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang mungkahing ito ni Diokno.

Sinabi ni Rodriguez na maraming mahihirap na estudyante ang maaapektuhan kung ihihinto ang programa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter