NASAWI ang isang Asst. Schools Division Superintendent na si Sonatria Dandon Gaspar sa mismong opisina nito sa DepEd Compound, Bonifacio St., San Raymundo, Jolo, Sulu.
Nangyari ang insidente nitong Biyernes ng hapon, Feb. 7, 2025.
Ayon sa inisyal na report, tadtad na tama ng bala ang katawan ng biktima mula sa hindi pa nakikilang mga suspek.
Habang inaalam pa ang motibo ng pamamaril kay Gaspar.
Narekober naman sa crime scene ang 2 piraso ng bala ng caliber 45 pistol.
Kasalukuyan nang nagsasagawa ng malaliman imbestigasyon ang mga awtoridad kasama na ang pagtugis sa mga salarin.