NAHARANG ng Bureau of Immigration (BI) ang pagpasok ng isang Chinese sa bansa.
Ibinahagi ito ng ahensiya nitong Hunyo 9, 2024.
Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, Mayo 29 nang dumating mula Thailand ang Chinese na kinilalang si Wang Yi Lin.
Subalit batay sa impormasyon, taong 2019 nang makipagtulungan si Wang sa isa pang suspek mula sa sindikatong operator ng gambling platform sa internet.
Nitong Mayo 31 nang tuluyan nang mapa-deport ang Chinese at pinabalik sa China para harapin ang kaniyang mga kaso.