PINAGHAHANDAAN na ng PNP ang posibleng malalaking mga protesta na ikakasa sa iba’t ibang panig ng bansa para sa nalalapit na kaarawan ni Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ngayong Biyernes.
Mahal man siya ng nakararami, hindi maikakailang nakatanim na sa puso ng mga Pilipino ang pangalan ni FPRRD, lalo na matapos itong ipagkanulo ng gobyernong Marcos Jr. at ngayo’y nasa kamay ng mga banyaga para sa mga alegasyong laban sa kaniya.
Para sa nalalapit na kaarawan ni Duterte ngayong Biyernes, Marso 28, inaasahan ang malalaking pagtitipon sa iba’t ibang grupo na sumusuporta sa kaniya, partikular na sa lungsod ng Davao.
Kaugnay nito, abala na ang PNP sa kanilang ilalatag na puwersa para siguraduhing magiging ligtas ang mga dadalo sa mga aktibidad para kay Tatay Digong.
Bagamat wala pang tiyak na bilang ng mga dadalo, tiniyak ng PNP na may sapat silang puwersa para sa kaligtasan ng publiko.
Wala pang ibinibigay na detalye ang Pamilyang Duterte kung paano nila ipagdiriwang ang kaarawan ng dating Pangulo na kasalukuyang nasa detention cell ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.
Mga taga-Cordillera, nagpaabot ng kanilang pagbati para kay FPRRD
Sa kabila ng distansiya, ang mga taga-Cordillera ay hindi nakalimutang magpaabot ng kanilang pasasalamat at pagbati kay Duterte sa kanyang nalalapit na kaarawan.
Kasabay rito, nag-organisa sila ng unity walk at prayer rally sa Baguio City bilang pakikiisa at simpatya sa dating Pangulo.
Follow SMNI News on Rumble