Isang indibidwal, naka-detain sa China matapos mangalap ng “sekreto” para sa Britanya

Isang indibidwal, naka-detain sa China matapos mangalap ng “sekreto” para sa Britanya

NAKA-detain sa China ang isang indibidwal na pinaniniwalaang nangongolekta ng impormasyon o sekreto mula sa kanilang bansa para sa foreign intelligence agency ng Britanya.

Sa imbestigasyon ng Chinese Ministry of State Security, taong 2015 pa nagsimula ang pakikipagtulungan ng nabanggit na indibidwal na may apelyidong Huang sa Britanya.

Dumaan anila si Huang ng training hinggil sa intelligence gathering at binigyan ng equipment upang makakolekta ng mga impormasyon sa ilang beses na pagbisita sa bansang China.

Nilinaw na hindi taga-China si Huang at citizen ito sa isa pang bansa.

Hindi pa nag-komento ang Britanya hinggil sa isyu subalit nakararanas din ito sa ngayon ng humihinang ugnayan sa pagitan ng China.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble