Isang political analyst, tatlong scenario ang nakikita para kay BBM sa halalan 2022

Isang political analyst, tatlong scenario ang nakikita para kay BBM sa halalan 2022

TATLO ang nakikitang scenario ni Political Strategist Malou Tiquia na mangyayari  sa kandidatura ni Bongbong Marcos. sa darating na halalan ngayong taon.

Sa kanyang twitter post kahapon, Enero 16, sinabi ni Tiquia na posibleng madiskwalipika, makansela ang Certificate of Candidacy o magkaroon ng substitution kay Bongbong.

Matatandaang ngayong araw, Enero 17 ay inaasahang magpalabas ng desisyon ang Commission on Elections hinggil sa petisyon na inihain laban kay Marcos.

Sakali namang madiskwalipika si Marcos, posibleng magiging substitution nya ang asawa nitong si Liza Araneta- Marcos ayon  aniya sa hindi pinangalanang source.

Kwalipikadong mag-substitute ang asawa ni BBM kung pagbabatayan ang COMELEC Resolution No. 10430.

Sa ilalim nito, maaaring maghain ng substitution para sa kandidatong namatay o nadiskwalipika ang kandidatura hanggat kapareho ang kanilang apilyedo.

Si Liza ay isang abogado at isa sa founding partners ng M & A Associates, isang law firm sa Taguig.

Nakakagulat naman ang ibinahagi ng nasabing source dahil ang kapatid ni Bongbong na si Imee Marcos ang kapareho nitong politiko, bagay na unang inaasahang hahalili sa kanya sakaling madiskwalipika ito.

 

 Follow SMNI NEWS on Twitter