ISDA group, nagsasagawa ng mga outreach programs alay sa buwan ng kaarawan ni Mayor Sara Duterte

ISDA group, nagsasagawa ng mga outreach programs alay sa buwan ng kaarawan ni Mayor Sara Duterte

BILANG paghahandog sa kaarawan ni Mayor Inday Sara Duterte-Carpio ngayong buwan ng Mayo at dahil sa ulirang pamumuno ng alkalde, ang grupo ng Inday Sara Duterte Ako (ISDA) Volunteer Support Group ay nagsasagawa ng mga outreach programs ngayong Mayo.

Ang nasabing grupo na humihikayat kay Mayor Sara na tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 ay nagsimula ng kanilang serye ng aktibidad sa Dagupan noong Mayo 1 ng Labor Day sa pamamagitan ng food on wheels feeding program sa mahigit 100 na mga lugar.

Ayon sa ISDA group, gagawin ang food on wheels kada Lunes ngayong buwan ng Mayo sa probinsya ng Pangasinan maging sa ibang parte ng bansa kung saan target dito ang marginalized sectors.

ISDA outreach program

ISDA outreach program

ISDA outreach program

 

 

 

 

 

Nitong Mayo 3, sinabi pa ng grupo na maglalaan sila ng libreng sakay sa bus sa mga mananakay mula Lingayen papuntang Dagupan sa probinsya ng Pangasinan hanggang sa katapusan ng buwan. Dalawang bus ang magbabiyahe mula umaga hanggang gabi.

Mamahagi rin ang grupo ng libreng flu vaccines sa mga indigent and elderly Filipinos sa pamamagitan ng kanilang medical mission initiative na magpasimula sa Parañaque City at sa ibang bahagi ng NCR sa Mayo 29.

Kabilang pa dito ang mga vitamins, gamot, relief goods na ipamahagi naman sa mga barangay na pangungunahan ng mga volunteer doctors at nurses.

Dagdag pa dito, bilang bahagi naman ng environmental campaign ng ISDA group ay magtatanim ito ng 10,000 mangrove seedlings na magsisimula sa Bulacan. Layunin ng inisyatibong ito na proteksyunan ang mga coastal cities and barangays sa panahon ng bagyo.

Ang naturang mga aktibidad ay gagawin din sa rehiyon ng Visayas at Mindanao.

Kabilang sa pangunahing aktibidad ay feeding activities, underwater and coastal cleanup ng ISDA-ScubaSurero volunteers ng ZAMPENBASULTA.

ISDA outreach program

Samantala, sa Luzon chapter naman ay magsasagawa ang grupo ng ISDA Bigtime Bayanihan bago matapos ang buwan.

Sa papalapit na kaarawan ni Mayor Sara, magkakaroon ng simultaneous outreach programs ang ISDA group sa linggo ng Marso 24 ngunit gagawin aniya ito ng may maayos na koordinasyon sa local government units at pagsunod sa mga health protocols.

ISDA outreach program

Noong Abril 9, nagsagawa ang grupo ng region-wide simultaneous outreach programs sa Visayas at Mindanao bilang parte ng Day of Valor celebration kung saan higit sa 5,000 pamilya ang makabenipisyo nito.

 

 

(BASAHIN: 5,000 pamilya sa Visayas at Mindanao, nakatanggap ng tulong mula sa ISDA)

SMNI NEWS