NAGBIGAY ang pamahalaan ng Israel ng 500 caregivers slot para sa mga Pilipino ngayong taon.
Ito ang inihayag ni Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia sa televised Laging Handa public briefing.
Ayon kay Olalia, ang allotment ay base sa bilateral labor agreement para sa deployment ng Pilipino caregivers sa pagitan ng Pilipinas at Israel.
Sa mga interesado aniyang mag-apply, maaaring mag-register online sa pamamagitan ng poea.gov.ph.
Pinayagan na ng Ministry of Interior of Israel ang entry at re-entry ng foreign workers sa caregiving sector kabilang ang Filipino caregivers na hindi nakabalik sa Israel dahil sa travel restrictions sa gitna ng COVID-19 pandemic.