James at Antetokounmpo, magiging captain ng NBA All-Star teams

James at Antetokounmpo, magiging captain ng NBA All-Star teams

MAGSISILBING captain sina Los Angeles Lakers Superstar LeBron James at Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee para sa NBA All-Star Game teams na nakatakdang magsimula sa susunod na buwan.

Mapapantayan na ni James si Kareem Abdul-Jabbar na nakatakda niyang lampasan sa all-time leading scorer ng NBA para sa All-Star Game appearances na may 19.

Ito na ang ika-anim na taong nagsilbing captain ang 4-time NBA champion na si James na may average na 29.9 points, 8.5 rebounds, at 7.0 assists ngayong season.

Samantala, ang 2-time NBA Most Valuable Player naman na si Antetokounmpo ng Bucks ay magiging captain sa ikatlong pagkakataon ng kanyang career.

Makakasama ni James sa starteds na pinili mula sa Western Conference na sina Zio Williamson ng New Orleans, Nikola Jokic ng Denver Nuggets, Stephen Curry ng Golden State Warriors, at Luca Doncic ng Dallas Mavericks.

Para naman sa team ni Giannis mula sa Eastern Conference ay sila Kevin Durant ng Brooklyn Nets at Kyrie Irving, Jayson Tatum ng Boston Celtics, at Donovan Mitchell ng Cleveland Cavaliers.

 

Follow SMNI News on Twitter