NAGKASUNDO si Japanese Prime Minister Fumio Kishida at Saudi Arabia Crown Prince Mohammed Bin Salman na magtulungan para ayusin ang humanitarian crisis sa Gaza.
Ito ay sa gitna ng lumalalang digmaan sa pagitan ng Israel at militanteng grupo na Hamas.
Ayon sa Foreign Ministry, inihayag ni Kishida sa pakikipag-usap sa crown prince na kinokondena ng Japan ang pagpapasabog sa ospital sa Gaza na mayroong maraming sibilyan.
Ayon pa sa Foreign Ministry, inihayag ng crown prince kay Kishida na magkakaroon ng kolaborasyon ang anim na member states ng Gulf Cooperation Council kabilang ang Saudi Arabia para magkaloob ng humanitarian assistance sa Gaza.
Ayon sa Israeli officials, ang insidenteng ito sa ospital sa Gaza ay dahil sa maling rocket launch ng Islamic Jihad, isang mas maliit at radikal na grupo na sumusuporta sa Hamas.
Ayon naman sa Hamas ang ospital ay tinamaan ng isang Israeli airstrike.