NAGDESISYON ang gobyerno ng Japan na 15 trilyong yen na investment para sa suplay ng hydrogen sa susunod na 15 taon.
Sa ilalim ng binagong basic hydrogen strategy, plano ng bansa na pataasin ang hydrogen supply ng anim na beses mula sa kasalukuyang antas nito na 2-M tonelada sa 12-M tonelada sa taong 2040.
Dahil hindi naglalabas ang hydrogen ng carbon dioxide o anumang greenhouse gas matapos ang anumang pagkasunog, maaaring ihalo ng hydrogen at natural gas sa thermal power plants o kaya naman ay sunugin ang hydrogen bilang fuel.
Ayon kay Economy, Trade and Industry Minister Yasutoshi Nishimura, nais ng bansa na magtayo ng matatag na supply chain ng hydrogen sa Asya at Indo Pasipikong rehiyon sa pamamagitan ng pagpapalawig ng hydrogen technology ng Japan.
Kasabay ng hangarin ng Japan na maabot ang net zero greenhouse gas emission sa taong 2050 ang hydrogen ang magiging pangunahing instrumento nito para sa green transition nito na kilala sa tawag ‘G.X’.
Matatandaan na ang hydrogen ay maaaring gamitin sa carbon recycling, isang paraan para makagawa ng renewable methanol mula sa CO2 at hydrogen.