Japan, nagtala ng ikaapat na kaso ng Omicron variant

NAKAPAGTALA ang Japan ng panibagong kaso ng Omicron variant.

Ito ang pang-apat na kaso ng bagong variant sa bansa.

Kinumpirma ng Health Ministry na nakapagtala ang Japan ng panibagong kaso ng omicron variant na nagdulot sa pagtaas ng bilang nito sa apat na kaso.

Isang lalake na nasa edad 50, na bumisita sa bansang Nigeria, ang nagpositibo ng Omicron variant, sa oras na dumating ito sa Japan, noong Sabado.

Ayon sa Ministry, natanggap ng lalake ang una at pangalawang shot nito ng Pfizer vaccine noong buwan ng Oktubre.

Pasusubay-bayan naman ng ahensya ang kundisyon ng isandaan at tatlong iba pang pasaherong kasabay nito sa biyahe.

Nasa apat na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng variant sa buong Japan kung saan ang lahat ng ito ay natuklasan sa Haneda at Narita Airport.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.