Japan PM Kishida, nangakong mas magiging malapit ang ugnayan sa South America

Japan PM Kishida, nangakong mas magiging malapit ang ugnayan sa South America

NANGAKO si Japanese Prime Minister Fumio Kishida na makikipag-ugnayan ito sa iba pang bansa sa South America para harapin ang pagsubok sa climate change, ekonomiya at kahirapan.

Isinagawa ni Kishida ang pahayag na ito sa Sao Paolo kung saan inilahad nito ang polisiya ng Japan sa Latin America dahil hangad nitong mas mapalapit sa tinatawag na Global South.

Ayon kay Kishida dahil hawak ng Brazil ang pagiging presidency ng G20 countries at ang Peru naman bilang chair ng APEC Forum, ang Global South ay nasa spotlight ngayong taon.

Matatandaan na noong nakaraang Biyernes ay nakipag usap si Kishida kay Brazilian President Luiz Inacio Lula da Silva at Paraguayan President Santiago Pena bilang parte ng kanyang anim na araw na tour.

Ito ang kauna-unahang pagbisita na isinagawa ni Kishida sa South America mula nang umupo ito sa pwesto noong 2021.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble