PLANO ni Prime Minister Fumio Kishida na bumisita sa Southeast Asia sa Golden Week holiday simula sa katapusan ng Abril kung saan isa sa bibisitahin nito ay ang Thailand.
Ito ay upang palakasin ang kooperasyon nito sa isa’t isa at dahil sa lumalakas na pwersa ng China sa rehiyon ng Asya.
Sa kanyang Southeast Asia trip, balak ni Kishida na palakasin ang kooperasyon sa bukas na Indo Pasipiko.
Sa Thailand, makikipagkita si Kishida kay Prime Minister Prayuth Chan-O-Cha.
Ang pagbisita na ito ay kasunod na rin ng anibersaryo ng diplomatikong ugnayan ng dalawang bansa.