JIL Tibungco Chapter, nagpahayag ng buong suporta kay Pastor Apollo Quiboloy

JIL Tibungco Chapter, nagpahayag ng buong suporta kay Pastor Apollo Quiboloy

SA isang pagtitipon, buong pagkakaisang ipinahayag ng mga miyembro ng Jesus Is Lord (JIL) Tibungco Chapter ang kanilang suporta kay Pastor Apollo C. Quiboloy bilang senador.

Pinatunayan ng grupo na sa kabila ng magkakaibang relihiyon, iisa ang layunin — ang ikabubuti ng sambayanang Pilipino.

Ang suporta nila ay hindi lamang batay sa pananampalataya, kundi sa paniniwala sa isang lider na may malasakit, integridad, at paninindigan.

Ayon sa mga miyembro, panahon na para magkaisa ang bawat Pilipino, saan mang simbahan o samahan nagmula.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter