Jimmy Bondoc, isa sa 2023 Bar passers

Jimmy Bondoc, isa sa 2023 Bar passers

NAKAPASA sa 2023 Bar Exams ang OPM singer-songwriter na si Jimmy Bondoc.

Mismong si Jimmy ang nagkumpirma nito sa kaniyang social media account.

Taong 2017 nang nagsimulang mag-aral si Jimmy ng kursong law sa San Beda University at taong 2019 ay ipinagpatuloy niya ang pag-aaral sa University of the East.

Isa rin siya sa mga naging miyembro ng Board of Directors ng Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) noong 2016.

Bilang singer ay sikat si Jimmy sa mga kanta tulad ng “Let Me Be the One”, “Forever More”, “The Man I Was With You”, Wish You Were Mine”, at “Tuwing Umuulan”.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble