Job security, muling apela ng mga empleyado ng MIAA kasunod ng pagsasapribado nito

Job security, muling apela ng mga empleyado ng MIAA kasunod ng pagsasapribado nito

ISINISISI pa rin ng Samahan ng mga Manggagawa sa Paliparan ng Pilipinas (SMPP) sa mga taong responsable sa pagsasapribado sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na walang naging koordinasyon sa unyon ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Sa panayam ng SMNI News kay SMPP Vice President Gilberto Bagtas, dapat pananagutin ang mga taong responsable sa mga prosesong hindi nasunod para maisapribado ang NAIA alinsunod sa guidelines ng   Governance Commission for Government-Owned or -Controlled Corporations (GCG).

Paglilinaw rin ni Bagtas, hindi naman sila komokontra sa nais na polisiya ng gobyerno, ang sa kanila ay mabigyan ng katiyakan ang kanilang trabaho.

Matatandaan, una nang siniguro ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa media na walang mawawalan ng trabaho sa mga tauhan ng MIAA sa kabila ng pagturn-over ng operasyon at maintenance sa NAIA sa pribadong sektor.

Pero ang SMPP hindi naniniwalang walang maapektuhan ng trababo sa kanilang hanay.

Sa kasalukuyang, nasa humigit-kumulang 1,300 ang mga organic ng MIAA, sa bilang na ito higit 600 ay miyembro ng SMPP habang 2,800 naman ay mga outsource at hindi pa kasama ang job order.

Posible rin aniya sa gagawing pagsasapribado ng NAIA ay tataas ang terminal fee at iba pang mga bayarin sa paliparan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble