NIYANIG ng Magnitude 7.1 na lindol ang karagatang bahagi ng bayan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental kaninang 8:23 ng gabi.
Matatagpuan ang epicenter ng lindol sa 231 kilometrong timog-silangan ng Jose Abad Santos ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Nararamdaman naman ang Intensity 5 sa General Santos City, Intensity 4 sa Davao City, habang bahagyang nararamdaman ang pagyanig sa Bislig, Surigao del Sur.
Ayon sa Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 116 kilometro.
Wala namang inaasahang tsunami sa lugar ngunit maaaring magkaroon ng mga aftershock sa susunod na mga oras o araw.