NASAWI ang isang journalist ng media network na Al Jazeera matapos ang isang pag-atake ng Israel sa kaniyang sasakyan sa North Gaza.
Mismong ang Al Jazeera ang nag-anunsiyo ng naturang pangyayari.
Sa ulat, tinarget ang mamamahayag na si Hussam Shabat ng isang drone strike nitong hapon ng Lunes, Marso 24, 2025 malapit sa isang gasolinahan sa bayan ng Beit Lahia sa North Gaza.
Ayon sa tagapagsalita ng civil defense agency ng Gaza, hindi ito ang unang pagkakataon na may nangyaring insidente kapareho kay Shabat dahil higit sa 10 sasakyan ang tinatarget ng mga airstrike sa iba’t ibang bahagi ng teritoryo.
Follow SMNI News on Rumble