Judge na humahawak sa drug case ni De Lima, nagbitiw

Judge na humahawak sa drug case ni De Lima, nagbitiw

NAG-inhibit na ang hukom na humahawak sa natitirang kaso ni dating Senator Leila de Lima na nakabinbin sa Muntinlupa Regional Trial Court.

Ipinaliwanag ni Judge Romeo Buenaventura ng Branch 256 na nagbitiw siya sa paghawak sa kaso dahil nabahiran na aniya ang integridad at pagiging patas ng korte.

Gayunman ay iginiit ni Judge Buenaventura na walang batayan o basehan ang mga suspetsa ng mga akusado na hindi umano patas ang paghawak niya sa kaso.

Nauna dito ay naghain kasi ng petition for inhibition ang kampo ni De Lima na humiling na magbitiw sa kaniyang drug case ang naturang hukom.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter