IBINASURA ng Manila Regional Trial Court Branch 19 ang proscription case ng Department of Justice (DOJ) para ideklarang terorista ang grupo ng CPP-NPA.
Rason dito ni Presiding Judge Marlo Magdoza-Malagar, hindi raw inorganisa ang CPP-NPA para maghasik ng terorismo batay sa Plan of Action ng grupo.
Ngunit para kay Atty. Larry Gadon, hindi na kailangan pa ng korte para ideklarang terorista ang nasabing grupo.
“The denial of the court to declare CPP-NPA as a terrorist group does not really matter. In the first place, there is no need for a judicial declaration that the CPP-NPA are terrorists,” pahayag ni Atty. Gadon.
Matatandaan noong 2018 nang maghain ng petisyon ang Department of Justice para ipadeklara sa Manila RTC Branch 19 na terorista ang CPP-NPA.
Diin ng DOJ, nilikha ang CPP para patalsikin ang gobyerno gamit ang armed struggle habang ang armed wing nito ang NPA.
Ayon sa DOJ, nilalabag ng dalawang grupo ang Human Security Act of 2007.
“It is within the police power of the state to declare them as enemies of the state. Hindi kinakailangan na magkaroon pa tayo ng deklarasyon ng korte na ang mga NPA ay mga terorista. Eh nandiyan na yan eh, meron na tayong tinatawag diyan na ebidensya na talagang sila ay nanggugulo sa ating bansa,” ayon kay Gadon.
Giit pa ni Gadon na hindi na kailangang pagdebatehan kung terorista ba ang CPP-NPA dahil matagal nang alam ng taumbayan kung sino ang mga ito.
“Ang ating military might can be applied in full force against this terrorist. Eh talaga namang terorista ang mga NPA at yan ay hindi na pinagdedebatihan yan. Yan kanilang sinasabi na denial, balewala yan. Balewala,” dagdag ni Gadon.
Sa ilalim naman ng Anti-Terror Law, kinakailangan ng judicial declaration para i-proscribe ang isang teroristang grupo.
Pero para kay Gadon, hindi pa pinal ang desisyon ng judge.
MGA KAUGNAY NA BALITA:
CPP-NPA-NDF, tinawag na nabubulok na rebolusyon ng Youth for Change
Dating kadre ng CPP-NPA-NDF nag-sorry sa pamilya Marcos
80 porsyentong karahasan sa Martial Law ay galing sa CPP-NPA-NDF –Ka Eric