MAGKAKAROON ng comeback series ngayong taon ang singer-songwriter at aktres na si Julie Anne San Jose.
Bagamat wala pang karagdagang detalye, ito na muli ang pagbabalik ni Julie sa pag-acting mula nang magkaroon siya ng special appearance sa Pulang Araw noong 2024.
Ang huli niyang TV series ay ang Maria Clara at Ibarra noong 2022, na nagtapos noong 2023.
Samantala, kamakailan lang ay tampok si Julie sa Halik sa Ulan: A Valentine Special concert ng Pinoy rock band na Aegis noong Pebrero 2, 2025, sa New Frontier Theater.