NANINIWALA ang New York Knicks na makakabalik din agad sa paglalaro si Julius Randle sa loob ng ilang linggo at hindi pagkatapos ng ilang buwan.
Bagama’t hindi pa kumpleto ang evaluation ng MRI ni Randle, may pag-asang hindi na kailangan pang sumailalim ito sa surgery dahil sa dislocation ng kanyang kanang balikat.
Nakuha ni Randle ang dislocation sa kanilang laro kontra Miami Heat noong Enero 27, American Time.
Sa naturang game naman ay panalo ang Knicks laban sa Heat sa iskor na 125-109.