Toronto Raptors, nahaharap sa isang $10-M case vs New York Knicks

Toronto Raptors, nahaharap sa isang $10-M case vs New York Knicks

NAHAHARAP ngayon sa kaso ang Toronto Raptors dahil sa umano’y pagnanakaw ng confidential files mula sa New York Knicks.

Ayon sa kampo ng Knicks, nagpapadala si Ike Azotam na siyang nagsilbing Knicks assistant video coordinator mula 2020 hanggang 2023 ng libu-libong confidential files sa Raptors.

Ang ibang defendants ng kaso ay sina Raptors coach Darko Rajakovic, Assistant Coach Noah Lewis, iba pang Raptor employees at maging ang parent company ng Raptors na Maple Leaf Sport & Entertainment.

Kaugnay rito ay humihingi ng mahigit sa 10-M dolyar bilang damage fee ang Knicks.

Hiniling din nito na hindi makikilahok sa kaso si NBA commissioner Adam Silver dahil malapit ito na kaibigan ni Raptors owner Larry Tanenbaum, ang chairman ng NBA Board of Governors.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble