Kadiwa ng Pangulo, suportado ng QC LGUs

Kadiwa ng Pangulo, suportado ng QC LGUs

SUPORTADO ng lokal na pamahalaang lungsod ng Quezon sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte ang programa ng national government sa pakikipagtulungan ng QC Small Business and Cooperatives Development Promotions Office.

Tampok sa Kadiwa ng Pangulo ang abot-kaya at dekalidad na agricultural at handcrafted products mula sa local farmers sa bansa.

Bukod sa mga ipinagmamalaking pagkain at delicacies, mayroon ding leather goods tulad ng bags, shoes, wallets, at iba pa.

Binisita ni Mayor Belmote ang mga stall kasama sina Department of Trade and Industry (DTI) Asec. Dominic R. Tolentino Jr., at Department of Agriculture (DA) – OIC to the Office of the Assistant Secretary for Consumer Affairs Junibert E. de Sagun.

Kasama rin sa programa sina Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Atty. Benjo Santos M. Benavidez at Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. for Project Development Management Atty. Odilon L. Pasaraba.

Ayon kay Belmonte, matatagpuan ang Kadiwa ng Pangulo sa QC Hall Pathwalk na nagsimula ng Pebrero 15-16 at tatagal ng 28 at 29.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble