Kahandaan ng Pilipinas at Estados Unidos sa pagdepensa sa teritoryo, ibinida sa ginanap na MAREX 2025

Kahandaan ng Pilipinas at Estados Unidos sa pagdepensa sa teritoryo, ibinida sa ginanap na MAREX 2025

MATAGUMPAY na isinagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sa pamamagitan ng Western Mindanao Command (WestMinCom), ang Marine Exercise (MAREX) 2025 katuwang ang United States Marine Corps.

Ang nabanggit na joint exercise ay isinagawa noong Abril 9 sa Barangay Penansaran, Datu Blah Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Sa nasabing pagsasanay, ipinamalas ng mga sundalo ang matibay na ugnayang militar ng Pilipinas at Estados Unidos, gayundin ang kanilang kahandaan sa isang kumplikadong operasyon.

Pinangunahan ng commander ng 1st Marine Brigade ang MAREX 2025 at isinagawa sa ilalim ng superbisyon ng Joint Task Force Central.

Tampok sa pagsasanay ang Joint Artillery Littoral Live Fire Exercises – isang precision coastal firepower na nagpamalas ng koordinasyon at lakas ng mga magkakaalyadong pwersa sa pagtatanggol ng teritoryong pandagat.

Ang naturang aktibidad ay personal na sinaksihan ni Lt. Gen. Antonio Nafarrete, pinuno ng WestMinCom.

“We have just witnessed a truly remarkable display of skill, coordination, and unwavering dedication—the full mission profile amphibious assault, a highlight of Marine Exercise 2025,” ayon kay LtGen. Antonio Nafarrete Commander, WestMinCom, Armed Forces of the Philippines

Anya, bilang commander ng WestMinCom, taos-puso ang kanyang pagbati sa lahat ng mga sundalo na naging bahagi ng matagumpay na pagsasagawa ng nabanggit na pagsasanay.

“As Commander of WestMinCom, I extend my sincerest congratulations to every participant who contributed to successful conduct of this exercise. Today, we celebrate not only a successful training event but also the enduring strength of the Philippine Marine Corps – U.S. Marine Corps partnership, a testament to the power of collaboration,” saad ni LtGen. Antonio Nafarrete.

Ang MAREX 2025 ay isang matibay na patunay ng lumalawak na kakayahan at propesyonalismo ng AFP.

Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng komplikado at pinagsanib na operasyon, pinagtitibay ng pagsasanay na ito ang kakayahan ng bansa na ipagtanggol ang mga teritoryong pandagat, tumugon sa mga bagong banta sa seguridad, at panatilihin ang katatagan sa rehiyon kasama ng mga kaalyadong bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble