Kakayahan ng PH Navy at PCG, kailangang maiangat—Defense chief

Kakayahan ng PH Navy at PCG, kailangang maiangat—Defense chief

KAILANGANG magkasabay na maiangat ang kakayahan ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard (PCG).

Ito ang iginiit ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. kasunod ng pangha-harass ng China sa resupply mission ng bansa sa Ayungin Shoal noong Biyernes.

Ayon kay Teodoro, bagama’t hindi gumamit ng water cannon ang Chinese Coast Guard ay lubhang mapanganib ang ginawa nitong pagharang sa dalawang barko ng PCG na nagbantay sa dalawang supply boat ng bansa.

Nananatili aniyang opsiyon ang paggamit ng barko ng Philippine Navy para magbantay sa mga ginagamit na supply boat sa Ayungin Shoal.

Pero hinihintay pa ni Teodoro ang magiging rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng National Security Council (NSC) sa nasabing usapin.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble