NAKILAHOK sa pinakabagong bloodletting drive sa Davao City ang nasa 500 katao.
Ginanap ito noong Pebrero 6, 2025, sa Davao City Recreation Center sa pangunguna ni 1st District Rep. Pulong Duterte.
Nakolekta ang 159 bags ng dugo mula sa naturang event.
Katuwang naman ng bloodletting drive ang health workers mula sa 54 na barangay ng First District at Southern Philippines Medical Center (SPMC).