WALANG planong tumigil sa pangangalap ng pirma ang Kamara kahit pa suspendido na ang proceedings para sa kontrobersiyal na People’s Initiative (PI).
“No choice, the instruction is to continue getting more signatures,” ayon kay Rep. Joey Salceda, Chairman, House Committee on Ways and Means.
Ayon kay Albay Rep at Ways and Means Panel Chairman Joey Salceda, ‘heavily invested’ na ang Kamara sa PI kaya kahit pa itinigil na ng Commission ang Elections (COMELEC) ang lahat ng prosesong may kinalaman sa PI ay lalarga pa rin sila sa Kamara.
“Sisiguruhin namin na mangumbinsi, na dumami ‘yung pirma,” dagdag ni Salceda.
Alam ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na nagpapatuloy pa rin ang Kamara sa tahak nilang PI.
Ito nga’y sa kabila ng pasya ng Punong Ehekutibo na pangunahan ng Senado ang Charter Change (Cha-Cha).
“We don’t know yet. We haven’t made those decisions yet. But I think as of now the People’s Initiative is—they’re continuing… but it is not–I don’t know if that is still one of the options that remains for us,” ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Nanindigan naman si Salceda na walang karapatan ang COMELEC na ipahinto ang PI.
Nang matanong kung dudulog ba sila sa Korte Suprema para baliktarin o suspendehin ang desisyon ng COMELEC.
Hirit ni Salceda,
“No, because they have no right to delay. You cannot impeach in the power of the people,” wika ni Salceda.
“Unang-una, english maam. Ikalawa voting jointly, malay nila ano ‘yun? Diba? Kasi ang pagkasabi, economic ek-ek? Noong dumating voting jointly. Wala namang kinalaman sa economic. Eh walang maintindihan ang tao. Hindi nila maintindihan talaga. Ang naintindihan lang nila, ayuda at ‘yung pangako ng pera,” ayon kay Sen. Imee Marcos.
Nanindigan naman ang Kamara na masyadong minamasama ng Senado ang hangarin nilang amyendahan ang economic restrictions ng 1987 Constitution.
Mahigit 350 beses na nagtatangka ang Mababang Kapulungan na makipagtulungan sa kanilang Senate counterparts para sa Cha-Cha pero lagi itong dead-on-arrival sa Senado.
Kontrobersiyal na People’s Initiative, hindi gawain ng mga Marcos—Sen. Imee
“Anybody who promotes PI is a devil. Because you demonize them. And therefore only saints can initiate a People’s Initiative? That is the conclusion. But that’s not a practical or pragmatic way” ani Salceda.
“Wala nang mas mapalad sa mundo sa pamilya ko. Binigyan kami ng ikalawang pagkakataon, hulog ng langit yan! Galing sa Diyos ‘yan! Eh, bakit sasayangin sa ganitong pamamaraan? Na sinusuhulan ‘yung tao, sinasamantala ang kamangmangan, nililinlang! Hindi naman namin gawain to eh? Hindi naman gawaing Marcos to eh?” wika ni Sen. Imee.