LUMAGDA ang House of Representatives ng isang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Department of Science and Technology-Philippine Textile Research Institute (DOST-PTRI).
Ang kasunduan ay hinggil sa pagiging magkatuwang ng dalawa sa pagpapalago at pagpo-promote ng textile industry ng bansa.
Sa pamamagitan ito ng pagbibigay ng DOST-PTRI ng office uniform sa mga empleyado ng House Secretariat na gawa sa tatak-Pinoy na mga tela.
Ang Filipino fashion designer na si Pablo Cabahug naman ang napili para gumawa ng disenyo ng uniporme.
Ang MOA signing ay naganap sa isang weaving conference na isinagawa sa World Trade Center.