P50-B budget para sa PH Railway Projects, ibabalik ng Senado

P50-B budget para sa PH Railway Projects, ibabalik ng Senado

IBABALIK ng Senado ang noong P50 billion proposed budget para sa North-South Commuter Railway Project at Metro Manila Subway Project.

Ayon kay Senator JV Ejercito, hindi lamang ito para sa kaginhawaan ng mga Pilipino kundi pati na rin sa pagpapaunlad ng ekonomiya.

Ito ay matapos mabansagan ang Metro Manila’s Public Transportation System na isa sa ‘world with the worst public transit systems’.

Alinsunod din ito sa pag-amyenda ni Sen. Ejercito sa ₱5.268-trillion national budget para sa 2023, na naaprubahan sa final reading sa Senado noong Miyerkules.

Sa ngayon, kasalukuyan nang ginagawa ang ₱488.47-B Subway Project sa pamamagitan ng loan mula sa Japan International Cooperation Agency kung saan inaasahan na sa taong 2028, makakaya nitong mag-accommodate ng 519,000 commuter araw-araw.

 

Follow SMNI News on Twitter