IKINATUWA ng Kamara ang nakuha nitong ‘very good’ net satisfaction rating kasunod sa isinagawang pinakalatest survey ng Social Weather Stations (SWS).
Batay sa December 10-14, 2022 survey, nakakuha ang Kamara ng +56 na rating habang ang Senado ay nakakuha ng +68.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, resulta ang nakuha nilang positive rating sa pagsisikap at dedikasyon ng buong Kamara tungo sa pagbibigay ng magandang serbisyo sa publiko.
Sinabi rin ni Cavite 4th District Rep. Elpidio Barzaga, sumasalamin din ito sa ‘competence’ ng buong miyembro ng Mababang Kapulungan.
Samantala, maliban sa Kamara at Senado, +53 ang nakuhang rating ng Supreme Court at +50 naman ang cabinet.