NASUNOG ang isang LPG tank truck nitong Linggo, April 9 habang binabagtas ang northbound lane ng Candaba Viaduct sa North Luzon Expressway (NLEX).
Bandang alas tres ng hapon ng mangyari ang insidente kaya isinarado agad ng NLEX ang lahat ng lanes mapa-northbound o southbound man ayon kay NLEX traffic operations head Robin Ignacio.
4:26 ng hapon naman ay tuluyan nang naapula ang sunog at pagsapit ng 4:30 ay nadaanan na muli ang pinakakaliwa at gitnang lanes ng northbound at ang buong southbound lanes.
Walang naitalang nasawi o nasugatan ayon kay Ignacio subalit pinag-aaralan pa ng Bureau of Fire Protection kung ano ang sanhi ng pagkasunog.