HANAPIN ang ‘tamang landas pasulong’.
Ito ang mensahe ni House Speaker Martin Romualdez sa naging paggunita ng Semana Santa ngayong taon.
Kasabay ang pahayag na ito ng House Speaker sa sinabi niyang naway nagkaroon ng maayos na pahinga ang bawat isa at nagkaroon din ng sapat na panahon para sa pamilya.
Maliban pa dito ay nararapat din aniyang pagnilayan ang mga nakaraang nagawa tungo sa pagbabago.
Samantala, inaasahang magbabalik sesyon ang Kamara sa May 8.
