Kampo ni ex-Rep. Arnie Teves, umaasa na papabor ang Timor-Leste sa kanila

Kampo ni ex-Rep. Arnie Teves, umaasa na papabor ang Timor-Leste sa kanila

UMAASA ang kampo ni dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. na papabor sa kanila ang desisyon ng Timor-Leste government hinggil sa extradition request laban dito.

Noong nakaraang linggo nang makumpleto na ang mga extradition hearing para kay Teves.

Ito’y matapos nairepresenta ng Philippine government at ng kampo ng kongresista ang kanilang witnesses sa Court of Appeals ng Timor-Leste.

Matatandaang nahaharap si Teves sa mga kasong multiple murder, frustrated murder, at attempted murder.

Kaugnay ito sa Marso 4, 2023 na pagkamatay ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo at siyam na iba pa.

Follow SMNI NEWS on Twitter