IPAPA-PRAYORIDAD ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Marcos admin ang kapakanan ng persons with disabilities (PWDs).
Ayon kay DSWD Sec. Erwin Tulfo sa panayam ng SMNI News, ito’y dahil napapansin niyang hindi masyadong natututukan ang kanilang sektor at nagmimistulang napabayaan ang mga ito.
Madalas aniya na humihingi ng tulong ay mga PWD na nakaratay na para sa kanilang maintenance.
Maliban sa PWDs, tututukan din ni Tulfo ang kapakanan ng single moms, senior citizens at mga batang nasa lansangan.
Bubuo anila sila sa kanyang ahensya ng mga programang tutugon sa mga pangangailangan ng mga ito.