Karagdagang EDCA sites sa Pilipinas, ikakapahamak ng bansa—Chinese Embassy

Karagdagang EDCA sites sa Pilipinas, ikakapahamak ng bansa—Chinese Embassy

IKAKAPAHAMAK ng Pilipinas ang pagpapalawig ng Estados Unidos ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa bansa.

Ayon sa Chinese Embassy sa Pilipinas, bagamat sinabi ng Estados Unidos na nakakatulong ang EDCA sa disaster relief efforts ng Pilipinas at nagpapaunlad ng lokal na ekonomiya, nais lang ng mga ito na mapalibutan ang China sa pamamagitan ng military alliance.

Sa pamamagitan din nito ay pinapalala ng Estados Unidos ang tensiyon sa pagitan ng China at Pilipinas.

Hindi man idinetalye subalit ang mga bagong EDCA site ay posibleng itatayo sa Isabela, Zambales, Cagayan at Palawan.

Maliban pa dito ay may 5 nang naunang EDCA sites sa Pilipinas.

Follow SMNI NEWS in Twitter