SASABAK sa isang boxing match si Eumir Marcial ngayong Sabado, February 11, 2023, USA time.
Makakalaban niya dito ang Argentinian na si Ricardo Ruben Villalba at isasagawa ang kanilang laro sa San Antonio, Texas.
Ang kanilang laro ay para sa 6-rounder middleweight division at undercard sa O’Shaquire Foster at Rey Vargas fight card.
Malaki naman ang tiwala ni Marcial na maipanalo niya ang Pilipinas sa laban na ito.
